Patakaran sa Pagkapribado

Ang Patakaran sa Pagkapribado na ito ay katuparan ng mga kinakailangan na regulasyon sa pagbibigay-alam sa mga gumagamit tungkol sa paghawak ng kanilang Personal na Datos.

Introduksiyon

Sa dokumento ng patakarang ito, ang mga terminong pangpangkatan na katulad ng "Kami" at " Namin" ay tumutukoy sa Crypto Engine, na kilala rin bilang ang "Website." Sa katulad na paraan, ang gumagamit ay tutukuyin sa pamamagitan ng pangalawang panghalip-panao.

Ang mapayapang paggamit ng aming mga serbisyo ay nakasalalay sa bawat gumagamit na nagbabasa at tumatanggap ng mga tuntunin sa Patakaran sa Pagkapribado na ito. Ang pagdedesisyon na tanggihan ang anumang seksyon ng dokumento ng patakaran o ang kabuuan nito ay pumipigil sa iyo na ma-akses ang aming mga serbisyo.

Karapatan namin na gumawa ng mga pagbabago sa Patakaran sa Pagkapribado na sa tingin namin ay nararapat. Karapatan ng gumagamit na laging makasunod sa mga pagbabago. Ang iyong patuloy na paggamit ng Crypto Engine ay ituturing na pahintulot sa lahat ng mga pagbabagong ginawa, alam mo man ang mga iyon o hindi.

Mga depinisyon

Personally Identifiable Information

Para ma-akses ang aming mga serbisyo, hinihiling namin sa mga gumagamit na magbigay ng partikular na datos na makakatukoy sa kanila.

Para sa impormasyon na tutugon sa hangganan ng Personally Identifiable Information (PII), dapat itong tumukoy sa isang tunay na tao. Ang impormasyon tulad ng mga pangalan at natatanging impormasyon sa pananalapi ay nabibilang sa kategoryang ito.

Dahil sa sensitibong kalikasan ng PII, ganap na boluntaryo ang pagkakaloob ng mga gumagamit sa mga ito. Gayunpaman, ang pagpili na huwag isiwalat ang ilan sa mga detalyeng ito ay maaaring humadlang sa iyo mula sa mga pinakatampok na serbisyo sa Website.

Ang lahat ng mga detalye na nakolekta sa ilalim ng kategoryang ito ay gagamitin lamang para sa layunin kung bakit kinolekta ang mga ito. Ang pagrerehistro ang pangunahing dahilan ng pagtitipon ng Personally Identifiable Information. Ang PII ay nakuha na may-kabatirang pahintulot ng gumagamit sa lahat ng mga pagkakataon kung saan ang pahintulot na ito ay kinakailangan.

Ang Personally Identifiable Information ay tumutulong sa mahusay na pagbibigay ng mga serbisyo. Para sa paggamit ng Personally Identifiable Information nang higit pa sa saklaw ng koleksiyon, hihingin namin ang pahintulot ng mga gumagamit.

Ang komunikasyon ay gagawin sa pamamagitan ng aming suporta sa email.

Hindi namin ipagbibili o kung hindi man ay ibubunyag ang Personally Identifiable Information nang walang pahintulot mo. Ang isang kapansin-pansing pagbubukod dito ay kapag kailangan naming sumunod sa makatuwirang mga kahilingan ng tagapagpatupad ng batas o magpatupad ng mga hakbang sa Anti-money laundering (AML) at Know Your Customer (KYC).

Magkakaroon ang Website ng mga malakas na hakbang panseguridad, mga protocol sa pag-encrypt, at mga pamamaraan sa transaksyon na naglalayong mapanatili sa sukdulang posible ang pagiging kumpidensyal ng Personally Identifiable Information.

Gamit ang Personally Identifiable Information na ito, maaari kaming magpadala ng mga eksklusibong patalastas sa aming mga gumagamit. Ang mga patalastas at iba pang nilalaman ay maaaring maglaman ng kapaki-pakinabang na impormasyon sa lahat ng uri ng mga produkto at impormasyon.

Mayroon kaming mga pampublikong forum ng mensahe para sa feedback at mga komento. Ang sinumang gumagamit na nagbubunyag ng Personally Identifiable Information sa gayong mga forum na pampubliko ay gumagawa nito sa sarili niyang pasiya. Hindi mo kami dapat panagutin sa hindi mo pag-iingat ng iyong pribasidad sa gayong mga pagkakataon.

Non-Personally Identifiable (Generic) Information

Sa panahon ng pagna-navigate sa Website, ang ilang hindi-espesipikong impormasyon ay maaaring matipon. Ang impormasyong ito ay posibleng hindi tumutukoy ng tiyak sa gumagamit.

Kasama sa mga hindi-espesipikong impormasyon ang mga datos na sumusubaybay sa iyong aktibidad sa Website. Ang iba pang uri ng pangkalahatang impormasyon, tulad ng iyong heograpikong lokasyon, ay salik din sa aming mga sistema ng koleksiyon.

Ang koleksiyon ng gayong impormasyon ay awtomatiko at tumutulong sa pag-alam sa mga pangangailangan ng mga kustomer kung paano pasusulungin ang aming mga serbisyo. Mag-iimbak kami ng gayong panlahat na impormasyon na hiwalay sa Personally Identifiable Information. Ito ay dahil iba ang aming mga protokol para sa pagpoproseso ng Personally Identifiable Information, na may kasamang higit na pagbibigay-diin sa pribasidad.

Interesado ang Crypto Engine na mangolekta ng ilan sa generic na impormasyong ito tungkol sa mga gumagamit para malaman kung paano ginagamit ng mga bumibisita sa site ang aming website at kung paano gumaganap ang aming nilalaman. Tinutulungan kami nitong matuto tungkol sa mga potensyal na isyu ng nilalaman o mga teknikal na error na maaaring tugunan ng aming koponan para makapagbigay ng mas masayang karanasan sa pagba-browse sa hinaharap.

Gumagamit kami ng mga cookie para mangolekta ng gayong mga pasadyang impormasyon. Sumangguni sa aming Patakaran sa Cookie para sa mas mahusay na pag-unawa kung paano namin ginagamit ang mga cookie para mangolekta ng generic na impormasyon tungkol sa mga bisita sa site. Sa pamamagitan ng pagsang-ayon sa aming Patakaran sa Cookie, pumapayag ka sa aming koleksiyon ng impromasyong hindi makakatukoy ng pagkatao habang gamit ang Crypto Engine.

Impormasyong Ipinost sa mga Pampublikong Forum at Nakolekta ng mga Third Party na Site

Bilang bahagi ng aming mga serbisyo, maaari kaming magkaroon ng ilang bulletin board, chat room, o iba pang mga pampublikong forum para makipag-ugnayan sa aming mga gumagamit. Hindi kami obligadong protektahan ang impormasyong isinisiwalat sa gayong mga forum na pampubliko mula sa ibang mga gumagamit.

Hinihimok ang mga gumagamit na huwag magsiwalat ng anumang sensitibong impormasyon sa iba pang gumagamit sa gayong mga forum dahil hindi kami mananagot sa anumang pagkalugi ng dahil sa pagbubunyag.

Naglalaman ang Website ng iba’t ibang link sa mga third party na website kung saan wala kaming kontrol. Hindi kami mananagot sa anumang paglabag na naganap bilang resulta ng pagbubunyag ng impormasyon sa mga site ng third party. Inirerekomenda naming basahin at unawain mo ang Patakaran sa Pagkapribado ng anumang third party na site bago ibahagi ang iyong datos sa kanila.

Mga Kadahilanan sa Pagkolekta at Pagproseso ng Datos

Ang Crypto Engine ay nangongolekta lamang ng minimum na impormasyon mula sa aming mga customer na kinakailangan para sa tamang paggana ng aming website at paglalaan ng aming mga serbisyo. Nangongolekta at nagpoproseso kami ng Personal na Datos sa mga sumusunod na kadahilanan:

Mangyaring tandaan na ang tungkulin ng Crypto Engine ay bilang isang Kolektor ng Datos lamang. Kapag nakarehistro na, ipadadala ang iyong datos sa isang third party na broker na awtomatikong itinatalaga ng aming plataporma sa iyo. Ang iyong piniling broker ay magsisilbi bilang Prosesor ng Datos at ang siyang mangangasiwa ng lahat ng iyong mga datos alinsunod sa mga batas sa pagprotekta sa datos tulad ng GDPR o ang katumbas nito sa ibang mga bansa.

Pananagutan ng kliyente na sumangguni sa sariling Patakaran sa Pagkapribado ng broker upang matuto tungkol sa pagpoproseso ng kanilang datos. Para sa anumang mga tanong tungkol sa pagproseso ng Personal na Datos, mangyaring direktang sumangguni sa iyong broker.

Pag-i-imbak ng Nakolektang Datos

Dahil hindi Prosesor ng Datos ang Crypto Engine, hindi namin kailangan ng mga tala ng iyong datos. Kaya, wala sa anumang Personal na Datos na iyong ibinahagi ang nakatago sa mga server ng aming website. Ang nauugnay na Mga Prosesor ng Datos ang responsable sa pag-iimbak ng iyong impormasyon ayon sa mga kundisyong inilarawan sa kanilang mga Patakaran sa Pagkapribado.

Mga Pagbubukod at Mga Limitasyon

Sa kabila ng aming mga probisyon sa Personally Identifiable Information, susunod kami sa makatwirang mga hiling mula sa mga imbestigasyon ng mga tagapagpatupad ng batas na may kaugnayan sa anumang aktibidad sa Website.

Kami ay isang lehitimong operasyon na hindi kinukunsinti ang ilegal na mga gawain sa aming bahagi o ng sinumang gumagamit ng aming mga serbisyo. Ang pagsisikap na magsagawa nang tahasang pandaraya sa aming plataporma ay mag-aalis sa iyo sa mga proteksiyon sa pagkapribado. Maaari rin kaming magpasiyang subaybayan ang mga espesipikong komunikasyon sa aming plataporma upang makalugod sa sinasabing mga regulasyon o mga kahilingan ng pamahalaan.

Sa pagpapatupad ng aming mga karapatan sa pagma-may-ari, maaari rin naming isiwalat sa mga tagapagpapatupad ng batas ang espesipikong personal na impormasyon ng mga lumabag. Tanging ang kinakailangan lamang ang aming isisiwalat upang makilala ang gayong mga indibiduwal.

May mga pagkakataon na maaari naming isiwalat o ibenta ang impormasyong sakop ng patakarang ito. Sisiguraduhin namin na ang anumang entidad na pinagbunyagan namin ng impormasyong iyon ay nasa sektor ng komunikasyon at ang pangunahing layunin ng mga pagbubunyag ay para sa pagpapahusay ng serbisyo.

Pagsisikapan naming mabuti na matiyak na ang anumang kompanya o entidad ay may matatag na mga mekanismo at patakaran sa pagprotekta ng datos upang ipabatid ang kanilang pangangasiwa ng gayong impormasyon. Ang mga gumagamit ay maaaring maabisuhan nang tiyakan tungkol sa gayong pagbubunyag at maaaring magpasya na huwag sumali sa pamamagitan ng paghiling gamit ang sulatroniko.

Mga Karapatan sa Pagkapribado ng Datos

Ang mga batas sa pagprotekta sa datos tulad ng GDPR ay nagbibigay sa mga kustomer ng isang hanay ng mga karapatan sa pagkapribado na kasama:

Isa pa. Ang mga gumagamit ng Crypto Engine ay maaari ring:

Para sa anumang mga karagdagang tanong tungkol sa iyong pribasidad, mangyaring punan ang aming form ng Contact para mapangasiwaan ng isang sinanay na kinatawan ng customer ng aming affiliate partner ang iyong hiling.

Connecting you to the best broker for your region...